ang nabuong pagsasamahan

SETYEMBRE 21, 2012

Ngayon koo nararamdaman na namimiss koo yung pagpapractice ng cheerdance at syempre yung mga makukulit kong kasama sa sayaw. Tuwing nagpapractice kase kahet sobra ka ng pagod, di mo maiinda o mararamdaman na pagod ka na talaga dahil bawat minuto ay tatawa ka ng tatawa dahil sa mga makukulit at joker mong kasama.

Una, syempre nagkakailangan pa. Iilan lang din kameng higher years. Mostly freshmen. At mga bunsong kapatid na namin sila. haha 😀 May mga 1st impression syempre. Minsan naartehan kame at naiinis, at kame lang higher yeras yung nagkakaintindihan at magugulo kase kame wala ng mga hiya.

Pero habang tumatagal, lalong nagkakakilanlan. Nawawala hiya sa bawat isa. Nagkakaroon na ng bonding at pagsasama. Lalo nang kumulit at naging masaya ang oras ng pagpapractice. Yung tipong seryoso na si kuya PATRICK (choreo namin. ipapakilala koo siya mamaya) tapos bigla ng magtatawanan dahil nga lahat kame di sanay na sumeryoso. ***seryoso na nga yung buhay namin s apag’aaral pati ba naman dito seseryoso pa***

Madame kaming nakasalubong na problema. OPO! madame po. Halos lahat prinoblema namen. Una, kulang ng members. Minimum kase 30 tapos maximum 50. Mga nagpalista ng names sa admin ay 47 tapos nung unang practice 20+ lang ang umattend then kinabukasan may mga nagback out na. Nung una nameng practice, iba nagtuturo samen. Si sir Rico. Sunday kame nagsimula so next week sportsfest na. Iniisip namen kakayanin pa ba matapos to? Then problema pa ! Wala ng 3 araw si sir Rico, nasa retreat yung faculty ng HS. So pahinga ng 3 days. sayang din yun. Then nung wednesday may issue. Ayaw kase kami payagan magpa’choreo. So si kuya Patrick na ule magtututro samen.

FIRST PROPER PRACTICE

 

Wala pa din talagang nasimulan. Kulang ng members, walang sounds, walang steps. so nganga muna for now. Isa pa pala wala pang magtatahi sa costume. aigoo. Tapos bukas maghapon na kame magpapractice at sana may mabuo. (cross fingers)

2ND DAY PROPER PRACTICE

 

Usapan kase 8am tapos anong oras na sila nagsipagdatingan diba. Alam niyo naman. FILIPINO time. Di mawawala at mababago to. haha 😀 So le start! taray stretching eklat muna. kelangan na namin magstart ng sayaw. Pero wala pa kase talagang sounds ee. gawa gawa muna step. Bukas may fieldtrip pa pala mg 1st year at ibang year para sa RIZAL. Di na kame sumama kase boring, magastos, sayang talaga sa pera. For sure roadtrip kalalabasan nun. Nakalimutan koo kung ginabe ba kame thid day? hmm

FRIDAY. SEPTEMBER 14, 2012. (3rd day)

 

Alam mo yung boring. Ngayon yun ee. Nakakatamad lang. Walang practice, wala sila, walang magawa. wag na pumasok :))) hehe. sipag koo. pero kelangan pumasok ee. TCH! bukas patayan na for sure.

SABADO

 

Usapan 8am tapos biglang 10 na daw kase puyat pa mga nagfieldtrip. Ee malay koo kaya mga before 9 nasa school na akoo at pagdating koo su kuya Patrick andun. Naabutan koo siya sa room 108, nakapatay ilaw, madilim, at tulog sa ibabaw ng table. Ninais koo siyang takutin kaso baka mamaya bigla akong spaakin neto ee. Edi nayari akoo. Hinayaan koo nalang siya hanggang sa nagising sa ingay koo. At ayun pinabili akoo ng kape sa canteen -______-

TARA COFFEE BREAK !

Ang tagal lang po namin naghintay sa iba. Wala ng pinalipas oras tara puspusan na sa pagpapractice. Di na kame pumasok sa mga klase namen. (EXCUSE naman ee. mehehe. pero pag pasok patay patay sa naiwang gawain)

PAGOD PERO ENJOY. TAWA DITO. HINTO. SAYAW. SIGAW. TAWA. buhay yan.’

 

 

(continuation)

mamaya na paosk muna akoo

Gagawin mo ba ang lahat para lang manalo?

SETYEMBRE 17, 2012

Ito na ang pinaka’aabangan ng bawat mag’aaral sa aming paaralan, ang PALARONG COLUMBAN. (sportsfest na ^^) Lahat excited. Lahat game na game. Mataas expectations ng iba lalo na yung department na…. (ayoko na magmention) TEAM ENGINEERING ! fighting. Ipanalo naten to at ibalik ang dati nating trono.

Di kami ganun kaprepared, wala ganong training mga engineering student dahil mas busy kame sa pag’aaral kesa pagtetraining (which is true talaga) kaya kabado kami sa kahihinatnan netong Sportsfest. Imagine ilang araw nalang bago ang game di pa nakakapagtraining mga players. Sa Basketball 2 araw lang sila nagtraining, sa volleyball 1 araw, sa table tennis wala nga ata ee, sa swimming iilan lang nagtraining. Ano na kaya mangyayare samen?

Yung sayaw pa namin sa cheerdance di pa tapos. Wala na, magkakalat kame dun. Wala pang props, costume. nako -____-

FIRST DAY

Schedule of Games:

A.M- presentation of Mr. and Ms. Sportsfest

-Laro ng Lahi

P.M- athletics (@remy field, SBMA)

late na akoo nakadating sa main. mga mag11 na ata. Dinaan pa akoo ni Richard sa bahay para tulungan akoo sa laptop kase magpapractcie pa kame sa Barretto mamaya ng cheerdance. Ayun game na sa main that time is Laro ng Lahi (kulyot o sa english Tag of war)

una nakalaban ng engineering ay yung CCS, ayun we won at makakalaban namin CBA. Eto na laban na! 1st round kame panalo. (ENGINEERING lang !) tapos may pinalitan na player yung sa CBA. ito na yung aming amo(tawag namin sa aming dean) umangal siya baket pinalitan, which is unfair nga naman diba? ano yun napagod tapos pinalitan, then yung aming di din papalitan. UNFAIR! kaya no choice sila kundi ibalik yung dati nilang player. 2nd round syempre kami pa din nanalo. Magandang simula samen to ! buena mano! GOLD agad!

LUNCH

kakaen kame ni Richard kase ee. dapat date to ee kaso kasama namin 2 kong tropa so napadpad nalang kame sa Jollibee. At may hinahabol din kameng oras. ayaw nila kumaen sa ITC room kase may pagkaen kaming prinepare dun for players. After kumaen punta na ng Pag-asa market upang puntahan si ateng mananahi ng aming costume. tapos…….    pagdating dun si ate walang mapakita! pakshit siya! (so rry naman sa words. nadala ng emosyon) demand niya sobra. pinapunta niya akoo dun para macheck koo daw tapos ngayon ayaw ipakita. aigoo. mali mali pa name na sinulat niya kaya nung nilista koo gulong gulo akoo.

ATHLETICS @ REMY FIELD, SBMA

 

SOBRA LANG PO YUNG INIT ! yung tipong di ka na nga gumagalaw, pagpapawisan ka pa ng sobra. Dameng pagkaen :))) haha 😀 mayaman ngayon engineering ee. ayun maganda naman kinalabasan! puro GOLD ! wooo!

CONGRATS sa lahat. akoo na maitim. Ilang oras palang sa remy nagitim na agad.

Ang haggard koo na. kaasar! maya maya practice na kame ng sayaw. gabihin nanaman. hehe ^^

#teamENGINEERING #athletics #gofightwin

unang lathala

Image

Setyembre 05, 2012. 9:55 A.M:

First blog koo dito and because I was bored naisipan kong magsulat. parang diary echos na din. Sobrang lakas nanaman ng ulan -___- geez. katamad tuloy pumasok sa school dahil mababasa nanaman ang aking uniform at sapatos.

Natuwa nanaman akong gumawa ng blog. Dati sa blogger ngayon naman sa wordpress. napakalimit lang kasi ng oras koo sa paghawak ng computer dahil sa sobrang busy sa paaralan at panay review. Nakakaboring din kasi yung panay aral kaya pag walang magawa, eto pagsusulat ang aking ginagawa. Sa paraang ito nailalabas koo ang aking saloobin, kaalaman, at opinyon sa mga bagay bagay na nakapaligid sa akin. Dala na rin ng pagbabasa ng mga libro, at mga blogs. Natutuo akong bumuo ng sarili kong lathala.

Naging inspirasyon koo sa pagsususlat si BOB ONG. Ang dakilang manunulat na pumukaw ng atensyon ng bawat mamamayang Pilipino. Sikat ang bawat libro na kanyang ginawa at isa akoo sa milyong Pilipino na nangongolekta ng kanyang libro. Meron pa si KALOY

Image

opo siya po si kuya Carlo *isang magaling na manunulat at isa niya akong fan. Natutuwa akoo sa mga blogs niya at nakakainspire.

Ilan lamag sila sa mga inspirasyon koo sa paggawa ng blog. At ikekwento koo sa sususnod na kabanata yung iba pang inspirasyon koo dahil malelate na akoo sa klase koo. ^^

magandang umaga kapwa kong paslit ♥

xoxo,
CHIEislove
Image