Gagawin mo ba ang lahat para lang manalo?

SETYEMBRE 17, 2012

Ito na ang pinaka’aabangan ng bawat mag’aaral sa aming paaralan, ang PALARONG COLUMBAN. (sportsfest na ^^) Lahat excited. Lahat game na game. Mataas expectations ng iba lalo na yung department na…. (ayoko na magmention) TEAM ENGINEERING ! fighting. Ipanalo naten to at ibalik ang dati nating trono.

Di kami ganun kaprepared, wala ganong training mga engineering student dahil mas busy kame sa pag’aaral kesa pagtetraining (which is true talaga) kaya kabado kami sa kahihinatnan netong Sportsfest. Imagine ilang araw nalang bago ang game di pa nakakapagtraining mga players. Sa Basketball 2 araw lang sila nagtraining, sa volleyball 1 araw, sa table tennis wala nga ata ee, sa swimming iilan lang nagtraining. Ano na kaya mangyayare samen?

Yung sayaw pa namin sa cheerdance di pa tapos. Wala na, magkakalat kame dun. Wala pang props, costume. nako -____-

FIRST DAY

Schedule of Games:

A.M- presentation of Mr. and Ms. Sportsfest

-Laro ng Lahi

P.M- athletics (@remy field, SBMA)

late na akoo nakadating sa main. mga mag11 na ata. Dinaan pa akoo ni Richard sa bahay para tulungan akoo sa laptop kase magpapractcie pa kame sa Barretto mamaya ng cheerdance. Ayun game na sa main that time is Laro ng Lahi (kulyot o sa english Tag of war)

una nakalaban ng engineering ay yung CCS, ayun we won at makakalaban namin CBA. Eto na laban na! 1st round kame panalo. (ENGINEERING lang !) tapos may pinalitan na player yung sa CBA. ito na yung aming amo(tawag namin sa aming dean) umangal siya baket pinalitan, which is unfair nga naman diba? ano yun napagod tapos pinalitan, then yung aming di din papalitan. UNFAIR! kaya no choice sila kundi ibalik yung dati nilang player. 2nd round syempre kami pa din nanalo. Magandang simula samen to ! buena mano! GOLD agad!

LUNCH

kakaen kame ni Richard kase ee. dapat date to ee kaso kasama namin 2 kong tropa so napadpad nalang kame sa Jollibee. At may hinahabol din kameng oras. ayaw nila kumaen sa ITC room kase may pagkaen kaming prinepare dun for players. After kumaen punta na ng Pag-asa market upang puntahan si ateng mananahi ng aming costume. tapos…….    pagdating dun si ate walang mapakita! pakshit siya! (so rry naman sa words. nadala ng emosyon) demand niya sobra. pinapunta niya akoo dun para macheck koo daw tapos ngayon ayaw ipakita. aigoo. mali mali pa name na sinulat niya kaya nung nilista koo gulong gulo akoo.

ATHLETICS @ REMY FIELD, SBMA

 

SOBRA LANG PO YUNG INIT ! yung tipong di ka na nga gumagalaw, pagpapawisan ka pa ng sobra. Dameng pagkaen :))) haha 😀 mayaman ngayon engineering ee. ayun maganda naman kinalabasan! puro GOLD ! wooo!

CONGRATS sa lahat. akoo na maitim. Ilang oras palang sa remy nagitim na agad.

Ang haggard koo na. kaasar! maya maya practice na kame ng sayaw. gabihin nanaman. hehe ^^

#teamENGINEERING #athletics #gofightwin

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s