Alam ko ko yun eh!

“Alam ko yun eh!”

Alam ko kung pano yun. Baket sadyang di ko magawa kanina? Baket? Anong nangyare?

 

Natotorete na utak ko. Isang linggo na akong puyat. Halos alas dose na ang tulog. Ito ang sumpa ng finals. Buhay kolehiyo. Buhay istudyante. Buhay sa inhinyero. Nkakabaliw. Nakakamatay. Puspusan sa pagrereview. Patayan sa pag’aaral.

Alam ko sembreak na. Tinalaga nila ito sa araw ng Oktubre 13. kaso ano nangyare? Hanggang ngayon pumapasok pa din kami, nag’eexam. Extended nga ee.

Exam kanina. Handang-handa na ako. nakareview na. nakaset na yung utak. kahet late si mam dumating at medyo nawala na yung determinasyon kong mag’exam sapagkat inakala kong uwian na kaso dumating pa din si mam.

Mabilis ko man nasagutan yung dalawang problem at pagdating sa pangatlo. BAKET? Alam ko to ngunit bakit di koo magawang sagutan. Pinipilit kong intindihin pero wala pa din. Ninais ko nang umiyak. Napatigil mundo ko sa simpleng problema na yun. Alam ko solusyon dun ngunit baket di koo magawang isagot ngayon? Pressure. Isa isa na silang nagsisipagpasahan ng papel. Samantalang ako….

 

Yung paligid ko parang bumilis ang takbo ng oras. Habang ako nakatingin sa papel. sulat tapos bura. Baket ganon?   Nagsidatingan na yung susunod na magkaklase. Nagsi’upuan na sila habang kami nagsasagot pa. Tama na! Di ko na kaya. Ibaba ang panulat, pambura. Tumayo at ipasa ang papel. Babawi tayo sa susunod.

Lord sana pumasa ako.

 

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s